I remember writing this for Father Roque Ferriols, my Philosophy professor who is known as the Father of Filipino Philosophy. I gave this to him during our oral exams. And we talked about this poem instead of talking about the thesis statements.
I had written it in a fit of inspiration while watching a moth fly near candles I had lighted to bring some scent and ambience to my room. I remembered Socrates. I remembered Fr. Ferriols. And I remembered myself.
Metamorphosis
eric santillan
Hinintay kita.
Nasa harap natin ang
Nakakahalinang ilaw,
Nagbabagang liwanag
Nag-iimbita.
Alam naman natin
Ang mangyayari–
Marami nang nakapagsabing
Huwag lumapit
Sa bango-init-liwanag.
Ngunit nandito pa rin tayo.
Palapit nang palapit.
Ewan ko ba
Kung udyok ito ng loob o imbita ng apoy.
Walang pasubaling
Lumipad ka sa huling pagkakataon.
Tungo sa liwanag
Kamatayan
Buhay.
Hindi ka man lang lumingon
At nagpaalam.
For Padre Roque Ferriols